The Gutted Kentex Dream.

Sa tuwing pipikit ako naalala ko pa rin ang malakas na pagsabog at ang biglang pagpasok ng makapal na usok sa canteen. Sa tuwing pipikit ako naalala ko parin ang pagtakbo namin ni mama at Patrick palabas ng main door pero dahil sa kapal ng usok wala na kaming makita kaya umasa nalang kami sa pagkapa at mga sigaw para marating ang pinto. Sa tuwing pipikit ako naalala ko pa rin ang napakatinding init na sumalubong sa amin sa pinto, naalala ko pa rin ang unti unting naming paghihingalo habang naiipit at naghahanap ng ibang daanan, naalala ko parin ang boses ni mama habang sinasabi nyang “An di ko na kaya, mamamatay na ako”, kala ko yun na ang huli kong maririnig. Sa tuwing pipikit ako naalala ko parin ang boses ng pamangkin ko “doon tayo sa likod” kaya pinilit naming makalakad papunta sa kusina kahit kapos na kami ng hininga, naalala ko pa rin ang matinding takot nang makita ko ang lpg sa kusina na sasabog pag inabutan ng apoy.

Naaalala ko parin ang mga basag na salamin na nagtatalsikan habang sumisilip ang apoy sa mga bintana. Sa tuwing pipikit ako naaalala ko parin ang mala- pelikulang naming pagtakbo habang nagbabagsakan ang mga salamin mula sa taas, pati ang iyak ng pamangkin ko dahil sa mga bubog na naapakan niya habang tumatakbo palayo. Naaalala ko pa rin ang pagtakbo namin palabas ng building, pinagmamasdan ang malaking sunog at maitim na usok na mabilis na gumagapang hanggang bubong.

Natutunaw pa rin ang puso ko tuwing naaalala ko ang pagluha ni mama habang hinahabol niya ang kanyang paghinga. Tuwing nakapikit ako, naaalala ko ang mga gamit na nasunog, mga pinaghirapan at pinagsikapan naming ipundar, kung paano unti unting kinakain ng apoy ang camera, mga libro, mga drawings, mga damit, mga lumang litrato, mga lumang kwaderno. Naaalala ko pa rin ang mga mukha ng mga workers na nag first break pa samin, naalala ko pa rin ang mga ngiti at mga boses nila habang nagpapalista. hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang mga iyak at sigaw nila habang naghahanap ng paraan para makababa, iniisip ko parin kung paano tinusta ng sunog ang mga katawan at mga pangarap nila, unti unting naghihingalo habang nagyayakapan at nagiiyakan, humihingi ng tulong hanggang sa kanilang makakaya, hanggang sa di na nila kayanin pa.

Pero sa tuwing didilat ako, pinapakita sa akin ng Panginoon na maganda ang bawat umaga. Sa tuwing didilat ako, nakikita ko ang pagpapatuloy ng aming buhay, sa tuwing didilat ako nakikita ko ng malinaw ang mas magandang buhay. Sa bawat bagong paghinga alam kung babalik ng higit pa kung ano man ang nawala. Tuwing pinagmamasdan ko ang mga mata ni mama at ng pamangkin ko, ang aming paghinga, ang patuloy naming paguusap, ang patuloy naming paghalik sa isa’t isa. Buhay. Tunay ngang ang BUHAY, higit sa ano pa man, ang pinakamagandang regalo sa atin ng Panginoon, tunay ngang napakabuti Niya!

God has taught me a wonderful lesson amid this four-cornered Inferno escape, that Our faith in Him is the only thing that cannot be consumed by fire.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng tumulong, tumawag, nag alala, nagdasal, sa lahat!
Isama po nating sa panalangin ang lahat ng mga kamaganak ng mga namatay na makayanan at malagpasan ng buong tapang ang mapait na trahedyang ito. maraming salamat:)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s